Mga naitayong CFLC sa lalawigan malaki ang pakinabang para sa mga maliliit na mangingisda

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na malaki ang pakinabang ng mga itinayong Community Fish Landing Center (CFLC) sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na  kailangan naman talaga ito ng mga Local Government Unit dahil intended ang pasilidad sa mga maliliit na mangingisda.

Kung mayroon man umanong hindi nagpa- function ng maayos ito ay marahil sa hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ng LGU.

Sa ngayon ay mayroong anim na CFLC ang Camarines Norte na matatagpuan sa  Bagasbas sa Daet, Mangcamagong sa Basud, Sabang sa Vinzons, Calero sa Jose Panganiban, Sta Elena at Paracale.

Sa anim na ito tanging ang Paracale na lang ang hindi pa napapasinayaan dahil wala pang koneksyon ng tubig at kuryente.

Noong isang linggo ay pinasinayaan ang CFLC sa Barangay Pulonguitguit, Sta Elena.

Gayunman hindi pa ito naitu- turn over sa People’s Organization at ang LGU muna ang mamahala habang inihahanda pa ang mangyayaring transition.

Ang CFLC naman ng Jose Panganiban ay nasa cooperative stage na at pinopondohan ng LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *