Bicol region nagtala ng 155 na mga bagong kaso ng COVID-19; kasong nagmula sa labas ng rehiyon, pumalo sa 93

BICOL—Sumampa na sa 40,575 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 155 na bagong kaso.

146 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 43 ang naitala sa Naga City, 17 sa Magarao, siyam sa Iriga City, walo sa Minalabac, pito sa Pili, anim sa Pasacao, tiglilima ang Canaman, Nabua, Ocampo at Pamplona, apat sa Tinambac, tigtatatlo ang Bato, Milaor at Tigaon, tigdadalawa ang Bombon, Bula, Calabanga, Goa, Lagonoy, Libmanan, San Fernando at San Jose, at tig-iisa ang Buhi, Camaligan, Caramoan, Gainza, Prsentacion at Ragay at may isa namang for verification kung saang bayan nagmula.

Siyam ang mga bagong kaso sa Albay kung saan anim nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at tig-iisa ang Guinobatan, Malilipot at Tabaco City.

Ayon sa DOH, 93 ang mga kumpirmadong kaso mula sa labas ng rehiyon kung saan 55 ang naitala sa Camarines Sur at 38 sa Naga City.

Zero new cases naman ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon

Samantala, pumalo na sa 25,780 ang total recoveries matapos magtala ng 189 na mga bagong gumaling kung saan 83 nito ay mula sa Sorsogon, 46 sa Camarines Sur at tig-20 ang Camarines Norte, Masbate at Naga City

Pumalo na rin sa 1, 195 ang death toll matapos madagdagan ng walong panibagong nasawi kung saan pito nito ay mula sa Camarines Sur at isa naman sa Naga City.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundina ng BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *