Bicol region nagtala ng 498 na bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Pumalo na sa 33, 520 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 498 na panibagong kaso.

252 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 109 nito ay mula sa Naga City, 24 sa San Jose, 19 sa Sipocot, 15 sa Pili, 11 sa Baao, sampo sa Iriga City, siyam sa Ragay, tigpito ang Balatan at Sagñay, tig-anim sa Calabanga at Lagonoy, apat sa Goa, tigtatlo ang Bato at San Fernando, tigdadalawa ang Bombon, Magarao, Minalabac, Nabua at Tigaon at tig-iisa ang Bula, Camaligan, Canaman, Caramoan, Del Gallego, Milaor at Presentacion.

Ang Albay ay may 70 bagong kaso kung saan 12 nito ay mula sa bayan ng Tiwi, siyam sa Oas, tigpito ang Legazpi City at Polangui, anim sa Camalig, tiglilima ang Daraga, Guinobatan at Ligao City, apat sa Tabaco City, tigdadalawa ang Libon, Malilipot, Malinao at Sto. Domingo at tig-isa ang Pio Duran at Rapu-Rapu.

65 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 33 nito ay mula sa Sorsogon City, tiglima ang Juban at Magallanes, tig-apat ang Donsol at Gubat, tigtatlo ang Irosin at Pilar, tigdalawa ang Barcelona at Bulan at tig-iisa ang Bulusan, Castilla, Matnog at Prieto Diaz.

Mayroon namang 58 na bagong kaso ang Camarines Norte kung saan 21 nito ay mula sa Daet, sampo sa Talisay, siyam sa Jose Panganiban, anim sa Basud, lima sa Labo, apat sa Mercedes at tatlo sa Vinzons.

49 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 20 ang mula sa bayan ng Virac, sampo sa Viga, siyam sa San Miguel, tigtatatlo ang Bagamanoc, Caramoran at San Andres at isa sa Bato.

Ang Masbate ay may apat na bagong kaso kung saan dalawa nito ay mula sa San Pascual at tig-isa ang Baleno at Masbate City.

Samantala, 201 ang mga bagong recoveries na nadagdag kung saan 70 nito ay mula sa Naga City, 54 sa Masbate, 37 sa Camarines Norte, 21 sa Sorsogon at 19 sa Catanduanes. Sa kabuuan ay umaabot na sa 22,849 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol.

Pumalo na rin sa 1,052 ang death toll matapos magtala ng 11 panibagong nasawi kung saan lima nito ay mula sa Camarines Norte, tatlo sa Sorsogon, dalawa sa Camarines Sur at isa sa Albay.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *