Bicol region nagtala ng pinakamababang kaso ng COVID-19 sa isang araw ngayong buwan

BICOL—Nagtala ng 19 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region, pinakamababa sa mga kasong naitala sa isang araw ngayong Nobyembre.

16 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan apat ang naitala sa Naga City, tatlo sa Libmanan, dalawa sa Buhi at Pili at tig-iisa ang Goa, Lagonoy, Nabua, Pasacao at Presentacion.

Tatlong bagong kaso naman ang nadagdag sa Masbate kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Aroroy at isa sa Masbate city. Zero new cases naman ang Albay, Camarines Norte, Catanduanes at Sorsogon.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 45,691 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa rehiyon pero 36,175 na nito ang mga gumaling.

62 ang mga bagong recoveries kung saan 37 ang mula sa Catanduanes at 25 sa Sorsogon.

Samantala, 1,543 na ang death toll matapos magtala ng 13 panibagong nasawi kung saan tiglima nito ang Camarines Norte at Albay at tatlo sa lungsod ng Legazpi.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVD-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *