Marathon plenary sessions ikakasa ng Senado sa pagtalakay ng 2022 Budget

Tiniyak ng senado na mamadaliin ang pagpasa ng 2022 National budget kasabay ng pagbabalik session nito ngayong araw.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa halip na Lunes hanggang Miyerkules lamang ng hapon ang kanilang plenary sessions, gagawin itong umaga at hapon at hanggang Biyernes na rin.

Ito ay upang mahimay umano ng mga senador na maayos ang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Una nang tiniyak ng mga mambabatas na ang budget ng bansa para 2022 ay nakatuon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Balak naman ni Sotto na pulungin ang mga senador upang tukuyin ang iba pang panukalang batas na kanilang ipra-prayuridad.

Pinag-aaralan din ng mataas na kapulungan na itaas na ang bilang ng mga empleyado at bisita na payagang makapasok sa Senado ngayong ibinaba na sa alert level 2 ang quarantine restrictions sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *