Bicol region nakapagtala lamang ng 92 bagong kaso ng COVID-19 kahapon

BNFM BICOL—Umabot lamang sa 92 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol region kahapon, batay sa inilabas na ulat ng Department of Health.

Sa nasabing bilang 56 ang mga naitalang kaso sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 22 dito ang mula sa Naga City; anim sa Libmanan; apat sa Iriga City at Pili; tatlo sa Balatan at Lagonoy; dalawa sa Canaman habang may tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Baao, Cabusao, Calabanga, Del Gallego,Gainza, Magarao,Minalabac, Presentacion, Ragay, San Fernando, Sipocot at Tinambac.

Ang Albay ay nadagdagan ng 16 na mga bagong kaso kung saan sampo nito ang mula sa Legazpi City; dalawa sa Ligao City at may tag-iisa ang Malilipot, Malinao, Rapu-Rapu at Tiwi.

May 15 naman ang Sorsogon kung saan apat dito ang mula sa Sorsogon City; tatlo sa Bulan at Magallanes at tag iisang kaso ang Barcelona, Casiguran, Gubat, Prieto Diaz at Sta. Magdalena.

Ang Camarines Norte ay may apat na bagong kaso kung saan dalawa nito ang mula sa Daet, at tag isa ang Labo at San Vicente.

Habang ang Catanduanes ay nakapagtala lamang ng isang kaso mula sa bayan ng San Miguel.

Dahil dito, umabot na sa 57,991 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 8,812 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 233 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t mayroon nang 47,132 COVID-19 recoveries ang Bicol habang dalawa naman ang nadagdag sa mga nasawi na ngayon ay mayroon nang kabuuang 2,047.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *