‘No vax card, no entry policy’ sa Bicol International Airport, nakadepende pa rin sa uuwiang LGU ayon sa CAAP

BNFM BICOL— Binigyang linaw ni CAAP Bicol International Airport Operations Manager, Roland Bocito na nakadepende pa rin sa lokal na pamahalaan ng pupuntahang lugar ng isang biyahero ang kanilang pagpapatupad ng “no vax card, no entry policy” sa Bicol International Airport.

Sa isang panayaman inihayag ng opisyal na sa ngayon aniya ay tanging sa mga empleyado lamang ng naturang paliparan ipinatutupad ang naturang polisiya.

Pinahihintulutan pa rin naman aniya nilang maka biyahe ang mga pasaherong hindi pa bakunado, sa kondisyong may negative RT-PCR test result ang mga ito at kompleto sa iba pang mga travel documents.

Dagdag pa ni Bocito, ang mga bata namang edad 11-anyos pababa na hindi pa bakunado ay maaari ring makapagbiyahe kahit walang negative swab test result basta’t may kasama o guardian na fully vaccinated na kontra COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *