Bicolana, Top 2 sa Architect Licensure Exam

NAGA CITY- Top 2 sa June 2023 Architect Licensure Exam ang isang Bicolanang residente ng Naga City.

Siya si  Ar. Rizza Mae Pardiñas , residente ng Barangay Cararayan , nagtapos sa University of Nueva Caceres sa Naga City batch 2020.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Pardiñas, ikinabigla nito ang balita paglabas nila ng simbahan, hindi lamang siya basta nakapasa kundi Top 2 pa.  Napaiyak at napaluhod sa tuwa at pasasalamat.

Bumalik din sa isip niya ang kaniyang pagpupuyat at lahat ng sakripisyo. Proud na proud ang kaniyang pamilya dahil nagawa pa rin nitong makasama sa Top 10 kahit na bumitaw na siya sa pangarap na ito lalo na hindi naman  nakakasama sa may matataas na award at hindi nagkamit ng latin honors noong nasa kolehiyo.

Kaya sa huli sinabi nitong ang gawa sabayan ng panalangin dahil wala palang imposible sa mga nangangarap.

Sa 4,784 nag take ng  June 2023 ALE ,  2,924 ang mga bagong architects sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *