Bidding para sa VCMs, dapat pang buksan sa mas maraming suppliers – PPCRV

Hinikayat ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang Gobyerno na buksan pa sa mas maraming mga vendors at supplier ang bidding process para sa pag-procure o pagbili ng mga vote counting machines.

Ito ang naging apela ni PPCRV chairperson Myla Villanueva matapos ang mga naitalang glitches at aberya sa iba’t ibang mga polling precincts na naidulot ng pumalpak na VCMs.

Aniya, mayroong limitasyon sa kasalukuyang batas sa pagbili ng gobyerno kaya naman dapat ay mabigyan na ng expeption ang halalan.

Sa ganitong paraan aniya ay magkakaroon ng mas maraming pagpipillin para makabili ng mas maayos na mga makina at maging credible ang resulta ng halalan.

Samantala, sa isang pulong balitaan naman, sinabi ni COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na hindi pa rin naisasapinal sa ngayon kung gagamitin pa bang muli ang mga VCMs na ginamit sa nagdaang halalan.

Matatandaang ‘refurbished’ na lamang ang mga units na ginamit ng poll body sapagkat hindi pa rin nabigyan ng Kongreso ng sapat na pondo ang tanggapan para bumili ng mga bago.

Ayon kay Laudiangco, mananatili pa rin ang kanilang proposal na bumili na ng mga bagong makina, ngunit dedepende pa rin ito sa ibibigay na budget sa kanila.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *