Rollback, kasado bukas!

Naglabas na ng abiso ang ilang mga kumpanya ng langis sa bansa kaugnay sa ipatutupad na oil price rollback simula bukas.

Sa abiso ng Caltex, Petrogazz, PTT Philippines, Seaoil, at Pilipinas Shell, P0.40 ang tapyas sa kada litro ng gasolina.

P3.10 naman ang bawas presyo sa kada litro ng diesel habang P2.10 naman sa kerosene.

Kaparehas na bawas presyo din ang ipapatupad ng kompanyang Cleanfuel, maliban na lamang sa kerosene kung saan hindi sila magpapatupad ng bawas presyo.

Alas-6:00 ng umaga ipapatupad ng mga oil companies ang bawas presyo maliban sa Cleanfuel na alas-8:00 ng umaga.

Ang pagpapatupad ng oil price rollback ay bunsod umano ng patuloy na paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *