Biden, ire-require ang bakuna para sa federal workers

Balak umano ni US President Joe Biden na i-require sa lahat ng federal employees at government contractors na magpabakuna kontra COVID-19.

Base ito sa panayam ng Reuters sa isang source na may nalalaman tungkol sa nasabing usapin.

Sinabi ng source na ppipirmahan ni Biden ang isang executive order na makakaapekto sa milyon-milyong empleyado ng US government.

Ito ay sa gitna ng pagdami ng mga COVID-19 cases mula sa hanay ng mga tao na hindi pa nababakunahan.

Samantala, ibinunyag rin ng source na maglalatag ang US president ng mga bagong patakaran para sa mga paaralan at workplaces upang makontrol ang paglaganap ng virus.

Mababatid na nasa mahigit 53% lamang ng mga Amerikano ang nakakumpleto na ng kanilang pagpapabakuna sa kabila ng pangangampanya ng administrasyong Biden na humihimok sa lahat ng eligible Americans na magpaturok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *