Big-time oil price rollback, asahan sa susunod na linggo

Sa kauna-unahang beses ngayong 2022 ay makararanas ang mga motorista ng big-time roll back sa mga presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa taya ng industriya, ay bababa ang presyo ng diesel ng P11 hanggang P11.70 kada litro; gasolina ng P6 hanggang P6.20 kada litro, at kerosene ng P8.70 hanggang P8.80 kada litro.

Ito na ang unang beses na nagkaroon ng rollback matapos ang 11 magkakasunod na oil price hike.

Inihayag ni Assistant Director Rodela Romero ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau na simula noong umpisa ng taon, ay tumaas ang presyo ng diesel ng P30.65 kada litro, P20.35 kada litro para sa gasolina, at P24.90 kada litro para sa kerosene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *