Pilipina at kaniyang Ukranian na mister, dumating sa Pilipinas

Dumating sa Pilipinas ang isang Pilipinas at ang kaniyang mister na Ukranian na mula sa Ukraine, sa gitna ng nagaganap na giyera doon dahil sa pag-atake ng Russia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nanggaling ang mag-asawa sa Ukranian port city ng Odessa na lumikas patungong Moldova.

Sinabi ng DFA na tinulungan sila ng Philippine Honorary Consulate sa Moldovan capital na Chisinau.

Nagbigay naman ng suporta sa pag-uwi ng mag-asawa sa Manila ang mga miyembro ng Philippine Embassy sa Budapest, Hungary.

Base sa datos ng DFA ay nasa 329 na ang bilang ng mga Pilipinong sumailalim sa repatriation mula Ukraine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *