Bigtime oil price rollback, kasado na ; Singil sa Meralco, bababa rin!

GOOD News sa mga motorista! ‘Wag na munang magpapa-full tank dahil bukas, araw ng Martes ay kasado na ang big-time na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

P6.10 ang ibabawas sa kada litro ng diesel; habang P5.70 naman ang rollback sa kada litro ng gasolina.

P6.30 naman ang tapyas na ipatutupad sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang price adjustment bukas, alas-sais ng umaga sa PetroGazz, SeaOil, at Pilipinas Shell; habang alas-otso naman ng uamga sa CleanFuel; at hatinggabi sa Caltex.

Asahan namang mag-aanunsyo na rin ang iba pang oil companies bago matapos ang araw.

Samantala, abiso naman sa mga konsyumer ng Meralco – asahan din ang bawas sa singil sa kuryente sa inyong mga July 2022 billing.

Sa abiso, bababa ng P0.71 ang singil sa kada kilowatt hour.

Bagamat tumaas kasi ang generation charge, masasakop naman ito ng inuiutos na refund ng Energy Regulatory Commission na P21Billion sa mga consumers ng Meralco.

Ibig-sabihin, kung ikay ay kumukonsumo ng 500kwh kada buwan – P355 ang aasahang bawas sa susunod na billing ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *