Bilang ng firecracker related injury sa lalawigan nananatili sa dalawa isang araw matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon

CAMARINES NORTE- Nananatili sa dalawa ang bilang ng firecracker related injury sa lalawigan ng Camarines Norte isang araw pagkatapos ng pagsalubong sa bagong taon.

Batay ito sa datos ng Camarines Norte Provincial Hospital ang sentinel site ng reporting sa mga paputok mula alas 6 ng umaga noong Enero 1 hanggang alas 5: 59 ng umaga ng Enero 2.

Magpapalabas muli ng update ang CNPH mamayang alas 6 ng umaga.

Mababatid na ang dalawang fireworks related injury na dinala sa CNPH ay nangyari noong bisperas ng pasko, Disyembre 24.

Isang 13 anyos na lalake mula sa Barangay Gahonon sa bayan ng Daet na nagtamo ng first degree burn sa mukha dahil sa boga.

Alas 12 naman ng hatinggabi pagpatak ng 2023 ay isang 49 anyos na ginang naman ang natamaan ng kwitis sa hita.

Kapwa pinauwi rin ang mga pasyente sa kanilang tahanan pagkatapos na malapatan ng lunas.

Ang bilang ng mga nadisgrasya ng paputok ngayong taon ay kapareho rin noong isang taon.

Noong 2020 isa ang naitalang biktima ng paputok at noong 2019 ay 14.

Magpapalabas ng terminal report ang CNPH patungkol sa fireworks injury sa Enero 6.

Hanggng sa Enero 5 pa kasi ang reporting sa paputok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *