Pusa sa U.S.A nakuhaan ng 38 piraso na pantali ng buhok sa sikmura

ISANG rescue cat sa South Carolina U.S.A na si Juliet ang nakuhaan ng 38 pieces na pantali sa buhok sa kanyang sikmura.

Ayon sa panayam ng namamahala ng animal shelter na kumupkop kay Juliet na si Kay Hyman ng Charleston Animal Society aniya nang ipa-ubaya ng dating amo si Juliet ay kinakitaan na nila ito ng pagkatamlay at problema sa kalusugan.

Kaya ang nasabing pusa ay isinailalim sa radiograph at dun nila natuklasan na ang foreign object sa sikmura nito ay ang 38 piraso na mga pantali sa buhok.

Dahil sa object na nakita kay Juliet agad na nagsagawa ng isang operasiyon para sa pusa.

Ngunit naging kumplikado ang lagay ng pusa dahil sa liver failure nito na naging daan upang tuluyan nang bawian ng buhay ang pusang si Juliet.

Dahil sa nakakaawang nangyari sa pusa ang Charleston Animal Society ay naglabas ng paalala sa publiko na bantayang mabuti ang mga pet o alagang hayop at huwag na huwag hahayaan na maabot ng mga alaga ang mga maliliit na bagay katulad ng panali sa buhok na maari nilang kainin o malunok.### CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *