Bilang ng kumpirmadong napatay sa mga election-related violence, naitala sa 19

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na mayroong 19 na mga indibidwal na napatay sa mga election-related violence sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, mula sa 111 nga mga suspected election-related incidents, 29 na ang validated.

Mayroon ding 19 na mga nasugatan.

Bago ito, una nang sinabi ni COMELEC Spokesperson Dir John Rex Laudiangco na higit pa rin itong mababa kung ikukumpara sa huling BSKE.

Aniya, bagamat tina-target daw talaga ng poll body na walang mga election-related violence, sa mga nagdaang halalan daw ay pumalo nang hanggang sa humigit-kumulang 100 ang fatalities bunsod ng eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *