Bilang ng mga barangay frontliners na nagpabakuna sa City of Cauayan, mababa

Hinimok ng Department of Interior and Local Government Cauayan City katuwang ang LGU ang mga barangay officials matapos maitala ang mababang bilang ng mga nais magbakuna kontra COVID 19.

Ito ang inihayag ni Local Operations Officer II Rambo Tambauan ng DILG Cauayan sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay LGOO II Tambauan, batay sa ibinibigay na datos ng City Health Office mula sa kanilang tanggapan ay kakaunti umano ang nagpapabakuna na mga barangay officials at mga barangay health emergency responders team o BHERT sa lungsod.

Isa ang Cauayan City sa naitalang mababa ang bilang ng nagpabakuna sa buong bansa sa A1 Priority List.

Dahil ditto, pinagpapaliwanag ng City Health Office ang LGU kaugnay sa isyung ito.

Ilan sa mga natatanggap na rason umano ng kanilang tanggapan ay nangingibaw parin ang takot at pangamba ng mga ito dahil sa mga lumalabas na balita na epekto ng mga bakuna.

Dagdag pa ni LGOO II Tambauan, kinakailangan umanong magpabakuna ang mga barangay officials at BHERTs kung saan sila ang palaging may iba’t-ibang transakyon sa LGU at humaharap sa mga tao.

Sa ngayon, patuloy parin hinihikayat ng DILG, CHO at ang LGUs ang mga barangay frontliners ng lungsod kung saan nagpapatuloy parin ang isinasagawang vaccination roll out sa apat na vaccination sites sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *