Bilang ng mga fully vaccinated individuals sa bayan ng Basud umabot nasa 5, 215

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 5, 215 ang bilang ng mga fully vaccinated individuals sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Batay sa datos ng Lokal na Pamahalaan hanggang nitong October 24, sumampa na sa 10, 906 ang mga nabakunahan.

Pinakamarami ang nabakunahan ng Sinovac na nasa 3, 765 na nakatanggap ng first dose habang nasa 2, 903 naman ang nakatanggap na ng second dose.

Sa AstraZeneca nasa 479 ang nakatanggap ng first dose at 467 naman ang nakatanggap na ng ikalawang dose.

Nasa 1, 392 naman ang nakatanggap na ng unang dose ng Pfizer at nasa 387 ang nakatanggap na ng second dose.

Sa Moderna, 55 ang nakatanggap ng una at ikalawang dose habang sa Johnson and Johnson na isang shot lang ay nasa 1, 403.

Patuloy naman ang paghimik sa bawat isa na magpabakuna lalo’t nagbabakuna na rin ngayon sa general population.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *