Bilang ng namamatay sa Subic dahil sa dengue mas mataas ngayon kumpara noong 2019

Tumataas ang bilang ng mga namamatay sa dengue sa bayan ng Subic kung ikukumpara ito sa taong 2019 na nagkaroon ng outbreak.

Sa datos ng Municipal Health Office, mula January hanggang September 2021 ay mayroon ng labing tatlo ang namamatay, mas mataas ito kumpara sa walo lamang noong buong taon ng 2019.

Isa pa dito, ayon kay Municipal Health Officer Dr. Nadjimin Ngilay, mayroong gradual increase ng mga tinatamaan ng dengue sa Bgy. San Isidro, Pamatawan at Manganvaca.

Paalala pa rin sa mamamayan na palakasin ang resistensya, panatilihin ang manilis na paligid at magpakonsulta kaagad kung may maramdamang sintomas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'ASCORBIC (as Calcium 100 500 Ascorbate) ACID Capsules VITAMIN GUARD-C mg Capsule SHOP NOW! Lazada ASCORBICA Ang Guard C Calcium Ascorbate ay isang vitamin na may kombinasyon ng calcium mineral kaya safe inumin kahit may hyper acidity dahil NON-ACIDIC ito. ang Immune system with Calcium Ascorbate. Palakasin Guard c Û.an ASCORBIC ACID GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *