Binata sugatan sa pananaga ng bayaw sa Rapu- Rapu, Albay

LEGAZPI CITY – Sugatan ang binata matapos tagain ng bayaw sa Purok 4 Brgy. Poblacion bayan ng Rapu-Rapu, Albay.

Kinilala ang biktima na si Joey Aguilar Subion, 19 anyos habang kinilala ang suspek na si Filipino Lorica alyas Pinoy, parehong residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, gabi ng magkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek hanggang sa nauwi sa suntukan.

Inawat rin umano ang dalawa hanggang mailayo ang biktima suspek.

Makalipas ang isang oras bumalik sa lugar si Lorica na may dala-dalang itak at nang makita ang biktima ay agad niyang inundayan ng itak sa kaliwang bahagi ng ulo na ikinasugat naman nito.

Mabilis tumakbo papalayo ang suspek matapos ang insedente habang isinugod sa malapit na ospital si Subion upang mabigyan ng medical na attensyon.

Ayon pa dito parehong lango sa alak ang suspek at biktima nang magkaroon ng pagtatalo.

Napag-alaman umano na matagal ng may alitan ang dalawa dahilan para ito magkainitan at mailabas ang galit sa isat isa.

Dagdag pa nito, nagtungo sa Rapu rapu mps ang biktima upang sabihin na hindi na ito magsasampa ng kaso laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *