Binatang may kasong arson sa bayan ng Rapu-rapu, huli sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Himas-rehas ngayon ang isang binatang may kasong arson sa bayan ng Rapu-rapu, Albay matapos mahuli ng mga tauhan ng Legazpi City Police Station sa Bgry. Bitano ng kaparehong lunsod.

Kinilala ang akusado na si alyas “Nero”, isang person with disability (PWD), 30-anyos at residente ng Sitio Lagsingan, Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa report, bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa akusado na pirmado noong Agosto 24 taong 2020.

Aabot sa P200K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado at nakatakda itong ibalik sa court of origin para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *