Pulis, sinuspinde matapos humingi ng tulong sa manghuhula na maresolba ang hinahawakang kaso

NAHAHARAP ngayon sa suspension ang isang pulis sa Madhya Pradesh, India matapos na dumulog sa isang ‘fortune teller’ o manghuhula para matulungan siyang maresolba ang hinahawakang kaso.

Batay sa ulat, binabaan ng suspension order ang sub-inspector na si Ashok Sharma, matapos kumalat ang video kung saan makikitang nagpapahula ang opisyal sa isang manghuhula sa nasabing lugar.

Ikinonsulta nito ang hinggil sa kaso ng 17-anyos na dalagang pinaslang sa Chhatarpur­ district kung saan hanggang ngayon ay wala pa ring pagkakakilanlan ang suspek na nasa likod ng krimen.

Ibinigay ni Sharma sa nasabing manghuhula ang listahan ng mga “persons of interest” para matulungan siyang tukuyin ang suspek.

Dahil kumalat ang video, sinuspinde ng pamunuan ng pulisya sa lugar ang opisyal dahil sa pagpapakita nito ng isang confidential na dokumento sa isang sibilyan.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *