Binatang may kasong child abuse at itinuturing na most wanted person sa Legazpi City, arestado

LEGAZPI CITY – Inaresto ng Legazpi City Police Station ang isang binatang itinuturing na most wanted person ng Legazpi City sa Purok 8, Brgy. San Roque dahil sa kasong Child Abuse.

Kinilala ang akusado na si alyas “Arthur”, 28-anyos, residente ng P-2, Barangay Pigcale ng nasabing lungsod nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng nasabing himpilan, ang akusado ay sangkot umano sa pang-aabuso ng menor de edad, kung kaya’t siya ay nakasuhan at pormal na pinalabasan ng korte ng ”Warrant of Arrest” para sa kasong paglabag sa RA 7610 o kilala bilang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

May kaakibat na piyansa na nagkakahalagang P200K ang pansamantalang kalayaan ng salarin.

Kaya hangga’t hindi siya nakakapagbigay ng nasabing halaga sa korte, mananatili muna siya sa pangagalaga ng nasabing himpilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *