Binatang may kasong may kinalaman sa panghahalay, arestado sa Legazpi City

Humihimas na sa rehas ang isang binata matapos arestohin ng mga otoridad sa Brgy. Bitano lunsod ng Legazpi dahil sa kasong panghahalay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Jojo”, 18 anyos, residente ng Purok 7 Brgy. Puro ng nasabing lunsod.

Ayon sa report, hapon nang puntahan ng mga kapulisan ang kinaroroonan ng akusado kasama ang pinagsanib na pwersa ng RSOU-RID5 at iba pang yunit ng PNP sa nabanggit na lugar.

Nang marating ng mga otoridad ang lugar, dito na isinilbi kay Jojo ang warrant of arrest na pirmado noong Enero 21, 2023 dahil sa kasong Rape.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang akusado ay hawak na ng nasabing himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *