Binatang tiktoker, nalamang bayad ng kaniyang pamilya ang naging kaibigan niya sa loob  ng 10 taon

Ibinahagi ng isang teenager tiktoker na si Lawson Spolansky sa isa niyang viral video na ang inakala niyang kaibigan sa loob ng sampung taon ay bayad pala ng kaniyang pamilya.

Kinilalang Dexter ang ‘bestfriend’ ni Spolansky at sa murang edad na 5 years-old ay nagkakilala na ang dalawa hanggang sa loob ng paaralan ay hindi sila mapaghiwalay.

Ngunit isang araw nalaman na lamang ng binatang si Spolansky na ang kaniyang itinuturting na kaibigan simula pagkabata ay isa pa lang “paid actor”. Hindi lang dito natatapos ang bangungot ni Spolansky dahil nalaman rin niya na ang kanyang therapist ay kapatid ni Dexter habang ang akala niyang nanay ni Dexter ay isa pa lang agent na konektado sa kanyang mga aunties, ito ang itunuturing na direct contact ng pamilya para tumanggap ng umano’y bayad para kaibiganin ang pamangkin nilang si Spolansky.

“I thought I had a real friend, but then you find out this friend is actually paid.” – sinabi ni Spolansky.

Ngunit ang ilan netizen ay hindi kumbinsido sa istorya ng binata sapagka’t ayon sa kanila paanong natatandaan ito ni Spolansky kung limang taon pa lang siya nang nagsimulang mangyari ito.

Nakisimpatsya naman ang iba sa binata at ipinarating ang kanila matinding pagkadismaya sa pamilya ng binata dahil hinayaan nila itong mangyari. ### JEREMY LESNIANA, Intern

Image: lawsonspolansky/Tiktok

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *