BIR gumagawa na ng paraan para para tukuyin ang mga social media influencers para pagbayarin ng buwis

CAMARINES NORTE- Gumagawa na umano ng paraan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para tukuyin ang mga Livestreamers  na kumikita gamit ang iba’t- ibang social media networks para magbayad ng nararapat na buwis.

Kasunod yan ng memorandum circular ng ahensiya na nagbibigay diin sa tax obligations ng mga social media influencers.

Sa text message sa Brigada News FM Daet ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon aminado itong sa ngayon ay nag- iisip na sila ng stratehiya kung papaano obligahing magparehistro ang mga social media influencers dito sa lalawigan.

Matatandaang inilabas ang memorandum circular ukol dito kasunod ng mga ulat na may mga social media influencers na hindi nagbabayad ng income tax sa kabila ng malaking kinikita mula sa iba’t- ibang social media platforms.

Mayroon ding mga influencers na hindi rehistrado sa BIR o kung nakarehistro man ay nasa ibang line of business at hindi nagdedeklara ng kanilang totoong kinikita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *