Oras ng voter registration pinalawig ng Comelec

CAMARINES NORTE- Pinalawig ng Commission on Elections ang oras ng voter registration na epektibo simula sa Lunes, August 23, 2021 at mayroon din sa araw ng Sabado at holidays.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes  ng Comelec Speaker’s Bureau dito sa probinsiya magsisimula ang bagong schedule ng voter registration ng alas 8 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi Lunes hanggang Biyernes at alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon kapag Sabado at holiday.

Nakapaloob ito sa Memorandum na ipinalabas ng komisyon na may petsang August 18, 2021.

Kabilang pa rin sa tatanggaping applications ay ang New registration, Transfer mula sa ibang siyudad o munisipyo, transfer within the municipality, reactivation at change of name dahil sa pagpapakasal o correction of entry.

Pinapaalalahanan lamang na magdala ng alinman sa valid ID, Birth Certificate, Marriage Contract sa bagong registrants at change of name o correction of entry.

Mahigpit na ipapatupad ang No requirements, No transaction at No face mask, No face shield, No registration.

Mayroon pa ring satellite registration sa mga barangay tuwing araw ng sabado upang ma- accommodate ang mas maraming bilang ng registrants.

Kaugnay nito ay pinapaalalahanan ang mga hindi pa nakakapagparehistro na magtungo na sa mga opisina ng Comelec dahil hanggang September 30 nitong taon na lamang ang voter registration.

Batay sa datos ng Comelec nasa 358, 589 na ang total registered voters sa buong lalawigan ng Camarines Norte batay sa pinakahuling Election Registration Board (ERB) hearing as of July 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *