Biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Norte sinuspinde ng coast guard dahil sa bagyong egay

CAMARINES NORTE – Sinuspinde ng Philippine Coast Guard epektibo kagabi ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa malakas na hangin na epekto pa rin ng bagyong Egay.

Batay sa Notice to Mariners na ipinalabas ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Commander ng Camarines Norte Coast Guard Station, pansamantalang suspendido ang biyahe ng mga bangkang 250 G.T. pbaba bilang proactive measure upang maiwasan ang anumang maritime incidents.

Asahan daw kasi ang strong to gale force winds sa karagatang sakop ng easterd seaboard ng northern at southern Luzon at Mindanao kasama na ang Camarines Norte.

Magiging “rough to very rough” ang kondisyon ng dagat sa mga lugar na nabanggit at asahan ang mahigit dalawa hanggang apat na metro ang taas ng alon.

Papayagang muli ang pagbiyahe ng mga bangka sa sandaling mag- improve na ang weather at sea condition.

Sa kabila nito hindi naman gaanong ramdam ang epekto ng bagyo sa lalawigan maliban sa mga nararanasang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malalakas na pag- ulan. Una nang isinailalim ang probinsiya sa Red Alert Status kaugnay sa bagyo epektibo simula noong Biyernes ng gabi, July 21.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *