Bizman idinadawit ni Hontiveros sa illegal gambling, human trafficking, itinanggi ang alegasyon

Itinanggi ng Filipino-Chinese businessman ang alegasyon na pagdadawit sa kanila ni opposition Sen. Risa Hontiveros sa illegal gambling at human trafficking.

Sa isang pahayag na inilabas nito sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, itinanggi ni Lincoln Ong ang kanyang anumang koneksyon sa Yatai International Holdings Group, na sinasabi ni Hontiveros sa kanyang privileged speech, na nagbibigay umano ng “safe haven” para sa ilegal na laro at sa pag-organisa ng team ng mga Filipino scammers sa Myanmar.

Kaugnay nito, hinimok ni Topacio si Hontiveros na muling ireview ang kanyang pronouncements hinggil sa naturang akusasyon.

Paliwanag pa ng abogado, na maaring nalilito lang ang senador, dahil ang ‘Yatai’ ay generic Chinese phrase na ibig sabihin ay ‘Asia Pacific’ at ginagamit bilang brand name ng maraming mga negosyo na hindi naman magkakakilala, gaya umano ng Yatai Spa at Yatai Ramen.

Sa kanyang talumpati noong Lunes, ibinunyag ni Hontiveros na nirerecruit ang mga Filipino sa pamamagitan ng fake job ads at pinipilit sa cryptocurrency investment scam, at ang mga Chinese syndicate umano na nasa likod nito ay gustong makabuo ng “all-Filipino team of scammers” dahil sa kanilang proficiency sa English.

Giit pa ng mambabatas, na nadiksubre niya ang links sa pagitan ng Yatai International Corp. at ang mga players sa likod ng Pharmally Pharmaceutical Corp., at sinabi ang may-ari ng Yatao na si She Zhijang, na naaresto noong nakaraang buwan ng mga Thai authorities, ay mayroong multiple business interests sa Pilipinas at konektado kay Ong, na direktor ng Pharmally. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *