DMW, bubuo ng whitelists at blacklists ng mga recruitment agencies para sa KSA

Ibinahagi ng Department of Migrant Workers (DMW) na bubuo sila ng whitelist at blacklist ng mga recruitment agencies, sa harap ng muling pagbubukas ng deployment para sa mga Filipino workers papuntang Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, papayagan ng departamento ang whitelisted agencies na makapag-recruit ng mga overseas Filipino workers (OFWs) papuntang KSA.

Dagdag ni Cacdac, na ito ang isa sa mga pagbabago na kanilang ginawa, matapos na tanggalin na ng Pilipinas ang deployment ban ng mga OFWs papunta sa KSA noong November 7.

Matatandaan na noong nakaraang taon, nang ipatupad ng Pilipinas ang deployment ban sa mga household service workers sa naturang bansa, dahil sa mga unpaid salaries ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Pero kamakailan, ibinahagi ng KSA ang magandang balita, na committed umanong maglaan ang kanilang pamahalaan ng 2 billion riyals para sa maga unpaid salaries ng nasa 10,000 overseas Filipinos na empleyado ng mga construction companies na nagdeklara ng bankruptcy. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *