Blended learning ipapatupad pa rin ng tuloy-tuloy mula October 30 hanggang November 3 ayon sa DepEd

CAMARINES NORTE – Ipapatupad pa rin ng Department of Education ng tuloy-tuloy ang blended learning modalities mula October 30 hanggang November 3 ng taong kasalukuyan kahit hindi kasama sa deklarasyon ng special non- working day ang October 31 at November 3.

Nangangahulugan ito na walang in-person classes sa mga nabanggit na petsa.

Ayon kay Administrative Officer V at Information Officer Antonio Ahmad, ito ay upang bigyan ng pagkakataon at sapat na oras ang mga guro na magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.

Mababatid na batay sa Memorandum ng DepEd na may petsang September 28, 2023, lahat ng in- person classes sa public elementary at secondary schools kasama ng community learning centers at Alternative Learning System o ALS ay magsi- shift sa blended learning modalities dahil sa BSKE at pagunita sa Undas.

Ayon sa Malacañang hindi kasama ang October 31 at November 3 sa deklaradong non-working holiday kundi ang October 30, November 1 at 2 lang.

Ang mga non- teaching personnel naman na hindi magsisilbi sa BSKE ay walang rason para hindi pumasok. Habang ang mga guro naman na hindi rin nagsilbi sa eleksyon ay pwedeng pumasok sa eskwelahan o kaya naman ay hindi basta’t naasikaso na ang mga kailangang gawin sa blended learning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *