Comelec muling magsasagawa ng Operation Baklas ngayong araw

CAMARINES NORTE – Magsasagawa muli ng Operation Baklas ang Commission on Elections ngayong araw, October 27, para tanggalin ang mga illegal campaign posters.

Alinsunod ito sa Memorandum No 2023- 1797 na nag- atas sa mga field office ng Comelec na ipaalam sa mga kandidato na magsasagawa ng Operation Baklas at paalalahanan ang mga itong magpaskil lang sa mga designated common poster aeras.

Sa bayan ng Basud ay inabisuhan ni Election Officer III Annelyn Abanes ang mga kandidato na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaskil ng campaign materials sa mga tulay, public buildings, puno, poste ng kuryente o wire, eskwelahan, shrines, waiting shed, traffic signs, health centers, terminals at center islands.

Paalala ni Abanes sa kaniyang sulat sa lahat ng kandidato na naka post din sa official facebook page ng Comelec Basud na ang ipapaskil na campaign materials ay dapat nasa designated common poster areas at hindi ito dapat lalagpas sa sukat na 2×3 feet.

Inabisuhan ng Comelec ang mga kandidato na boluntaryo na itong tanggalin. Hindi kasama sa tatanggalin sa operation baklas ngayong araw ang mga campaign materials na nasa loob ng private properties kasunod ng desisyon ng Supreme Court ukol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *