BMP, naghain ng 6 petisyon para sa P750 natl minimum wage

Aabot na sa anim na mga petisyon ang inihain ng labor group na Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) para sa P750 national minimum wage, para tugunan ang tumataas na presyo ng oil at basic commodities.

Ayon kay BMP general-secretary Mike Garay, ang grupo ay naghain ng mga petisyon sa regional wage boards ng anim na rehiyon, na kinabibilangan ng Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas.

Nilinaw naman ni Garay na ang petisyon ay hindi para sa P750 increase across the board, sa halip ay para sa iba’t-ibang wage hikes para maabot ang standard na P750 national wage.

Dagdag ng BMP, ang pagsulong para sa P750 national minimum wage ay hakbang tungo sa pag-abot sa Constitutional provisions para sa living wage at para sa pagbahagi lang sa “fruits of production.”

Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Metro Manila ay P500 hanggang P537 per day.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *