Bong Go, nagbigay ng tulong sa mga mahirap na residente sa Tarlac City

Patuloy ang pagbibigay ni Senator Christopher “Bong” Go ng tulong para sa mga disadvantaged communities sa buong bansa.

Kaugnay nito nagpadala ito ng team sa Barangay San Isidro, Tarlac City para sa distribution activity sa 333 residente.

Sa kanyang video message, pinaalalahanan ni Go ang publiko na ipagpatuloy ang pag-aalaga sa kalusugan at kapakanan.

Hinikayat naman nito ang may mga medical concerns na bisitahin ang Malasakit Center sa Tarlac Provincial Hospital, kung saan maaring umano silang humingi ng medical assistance mula sa gobyerno.

Ang Malasakit Centers Act, ay naglalayung makapagbigay sa mga mahihirap at indigent patients ng convenient access sa medical assistance programs na inaalok ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *