Bong Go – umapela ng istriktong pagbabantay sa mga advertisements ng mga junk foods

Hinikayat ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Health (DOH) at ang Food and Drug Administration (FDA) na mahigpit na bantayan ang mga advertising campaigns na nagpo-promote ng mga pagkaing hindi nakabubuti sa kalusugan.

Ito ay makaraang irekumenda ng World Health Organization (WHO) ang mas mahigpit na mga polisiya laban sa mga ganitong uri ng advertisements para maprotektahan ang kalusugan ng mga kabataan.

Sabi ni Go, na siya ring chairperson ng Senate Committee ong Health, dapat ay ma-monitor ang mga advertisements ng mga pagkaing may matataas na level ng saturated fatty acids, trans-fatty acids, fre sugars, at mataas na salt content.

Aniya, nakaaalarma ang pagtaas ng bilang ng mga ‘diet-related diseases’ gaya ng diabetes, sakit sa puso, at obesity sa murang edad.

Dahil dito, kritikal aniyang ma-regulate ang marketing ng mga ganitong uri ng pagkain na kung tawagin ay ‘yung mga ‘High in Fat, Salt and Sugar’ o HFSS at mas kilala bilang mga junk foods.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *