Bubuksang farm to market roads sa upper barangay ng Naga, idudulog sa DA-Bicol

NAGA CITY – Plano ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Naga na dumulog sa Department of Agriculture para sa karagdagang farm to market roads na nakatakdang buksan sa upper barangay ng lungsod tulad ng sa San Felipe, Pacol at Cararayan.

Ito’y bilang pagtalima na rin sa kahilingan ng mga nakatira doon na magkaroon sila ng mga kalsadang makakatulong para sa kanilang kabuhayan, pagbaba ng mga produktong gulayin, mga palay at mais.

Sa paliwanag sa media at sa Brigada News FM Naga, inihayag ni City Mayor Nelson Legacion na malaki ang mai-aambag ng naturang ahensiya para sa plano niyang ito, na magbibigay naman ng bagong pag-asa sa mga magtatanim sa nabanggit ng mga lugar.

Aniya’y dumami ang populasyon sa mga lugar na iyon lalo na sa Barangay Pacol dahil na rin sa ipinatupad na housing settlement projects na ang mga benipisyaryo ay ang mga maralitang taga lungsod.

Kaugnay nito, may ilan pang farm to market road projects ang nakatakda na ring simulan sa Hulyo at ang dalawa nito ay nakatakda na ring i-bidding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *