BuCor, naglabas ng kautusan sa pagpapalaya kay Carlos Garcia

Naglabas ng kautusan ang Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay sa pagpapalaya Retired Maj. Gen. Carlos Garcia sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa BuCor, sinentensiyahan ng pagkakulong na 18 taon at apat na buwan ngunit dahil sa kanyang good conduct time allowance (GCTA) credits, tapos na ang kanyang sentensya.

Inaprubahan ni Justice Secretary Boying Remulla, kasunod ng pag-compute ng 3,288 GCTA credits sa ilalim ng Republic Act No. 10592.

Nakulong ito noong Hunyo 2005 at nagsilbi ng 17 taon, limang buwan, at walong oras sa bilangguan. Maalalang kinasuhan si Garcia ng plunder at money laundering, kasama ang kanyang asawa na si Clarita Garcia at tatlong anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *