Buwaya na nalambat sa Aborlan, inilibing na- PCSD

Inilibing agad ng mga residente ang isang buwaya na nalambat sa Barangay Apo- aporawan sa bayan ng Aborlan ngayong Miyerkoles, April 26.

Ayon kay PCSD Spokesperson Jovic Fabello, isa itong “Crocodylus Porusus”, babae, na may tinatayang anim (6) na talampakan ang haba, may walong (8)  pulgada na lapad at may timbang na 20 kilos.

Maari umanong pagkalunod sa lambat ang sanhi ng pagkamatay ng hayop dahil maaari daw itong mamatay sa loob ng dalawang oras sa ilalim ng tubig.

Samantala, hindi pa umano malaman kung may maaaring managot sa pagkamatay nito dahil sa wala umanong nakakita habang buhay pa ito, ayon pa kay Fabello.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *