Caceres Commission on Communication wala pang napipiling bagong head; Virac Bishop-elect naging emosyonal

NAGA CITY – Wala pang napipiling papalit sa posisyon bilang Director ng Caceres Commission on Communication ng Archdiocese of Caceres, ito ang inihayag na mensahe ni Bishop-elect Father Louie Occiano.

Sa mensahe niya sa Media Lenten Recollection, naging emosyonal ito nang naitanong sa kaniya kung sino ang kaniyang kapalit sa pwesto, aniya ang arsobispo ang siyang pipili kung sino ang itatalagang opisyal para pamunuan ang nasabing tanggapan.

Nagpasalamat ito sa lahat ng naging bahagi at nakatuwang sa trabaho. Si Occiano ay nanungkulan sa CCComm bilang head sa loob ng 20-taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *