Pagkakaroon ng happy ending sa buhay ng mga tao isa sa mahalagang mensahe ng isang pari sa Palm Sunday

NAGA CITY –Inihalintulad ni Rev. Fr. Francisco Parza III, Parish Priestng Divine Parish sa Paolbo,sa Calabanga , Camarines Sur ang buhay ng tao sa eksena sa mga pelikula na may malungkot at may masaya, happy ang bida na una ay inaapi-api at sa huli nagtagumpay at naging masaya.

Sa kanyang mensahe sa Palm Sunday, sinabi ni Fr. Parza na parang ang buhay ni Hesukristo na sa una ay masaya kasamang nangangaral ang mga disipulo at mga mananalampataya, ipinapatay sa pagpako sa krus at muling nabuhay, naging masaya.

Nilinaw ng pari na ang buhay ng tao ay maiksi lamang dahil may mga maagang namamatay, masuwerte aniya ang mga nabubuhay pa ng matagal dahil magagawa pa nito ang anumang gusto niya sa buhay, lalo na ang patuloy na paggawa ng kabutihan sa kapwa, sa kabila ng mga problemang nararanasan araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *