Call center agent na nakipag-‘team building’ umano sa loob ng motel, huli sa Cebu City

CEBU – Isang Team leader sa isang call center company sa Cebu City ang huli sa akto ng kanyang misis na kasama ang kanyang kalaguyo sa isang motel sa Gorordo Avenue, Brgy. Carreta, lungsod ng Cebu.

Nahuli sa akto ang mister na isang 27-anyos at ang girlfriend nito sa isang 20-anyos sa kwarto ng motel nang pasukin ng mga pulis at ng kanyang misis.

Sa pahagyag ng legal wife, nagpa-alam ang kanyang mister na aalis dahil may team building umano ang kanilang kompanya ngunit lingid sa kaalaman nito, naglagay na ng tracking device ang asawa sa kanilang motorsiklo matapos siyang magduda sa galaw ng kanyang mister.

Nang umalis ang lalaki, agad na humingi ng tulong ang misis sa Investigation and Detective Management Branch (IDMB) ng Cebu City Police Office (CCPO) upang arestuhin ang mister at ang kalaguyo nito.

Ayon kay Police Staff Sgt. Richell Bibas, chief ng Women and Children Protection Desk, kasong concubinage ang kanilang isasampa laban sa dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *