Guro, patay matapos tangayin sa ilog sa Agusan del Sur

Wala nang buhay nang marekober ang isang 30-anyos na guro matapos ang ilang oras na paghahanap nang tangayin ito ng rumaragasang tubig sa Ojot River, Brgy. Salug, Esperanza, Agusan del Sur.

Kinilala ang nasabing bilktima na si Junard Caberte Saguidon, isang guro na nadestino sa Guibonon Elementry School, may-asawa, nakatira sa Nangka Street, Brgy. Poblacion, Bayugan City, Agusan del Sur.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Esperanza Municipal Police Station na sakay ang biktima kasama ang tatlong guro at isang bata ng balsang kawayan para makatawid sa rumaragasang tubig sa ilog.

Sa kasawiang palad, tinangay ng malalakas na agos ng tubig ang kanilang balsang kawayang sinasakyan dahilan para ito ay tumaob at tumilapon ang mga sakay nito. Agad namang nasagip ng mga nakasaksing residente ang tatlong titser at bata pero hindi sinuwerte ang lalaking titser dahil siya ang unang tinangay ng malalakas na agos.

Kinabukasan na lumutang ang bangkay ng nasabing biktima at naretrieve ng MDRRMO, local divers at barangay search and rescue units sa katabing barangay. Itinuturing ng mga tagaroon ang kabayanihan ng nasabing titser dahil sinusuong niya ang baha mahatid lang ang pagtuturo sa mga liblib na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *