Camarines Norte nakapagtala na ng tatlong Delta COVID- 19 variant

CAMARINES NORTE- Nakapagtala na ng tatlong Delta COVID- 19 variant ang lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang kinumpirma ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa naging panayam ng Brigada News FM Daet nitong Martes.

Ang tatlong nagpositibo sa Delta variant ay pawang may travel history sa labas ng lalawigan.

Si Bicol No. 21872 ay isang 21 anyos na babae mula sa bayan ng Labo na nagtatrabaho bilang Sales Lady sa San Pablo, Laguna.

Dumating ito sa border checkpoint  ng Tabugon sa Sta Elena, Camarines Norte noong August 4, 2021 at mayroong sintomas na ubo at sipon kung saan siya nagpositibo sa Rapid Antigen Test.

Dahil dito, dinala ang pasyente sa isang quarantine facility sa bayan ng Labo.

August 8 nang lumabas ang resulta ng kaniyang RT PCR test kung saan ito nagpositibo sa COVID- 19.

Natapos na ng quarantine period ang pasyente at nai- release na sa facility noon pang August 23 pero patuloy pa ring minomonitor ngayon.

Si Bicol No 21876 naman ay isang 40 anyos na lalake, driver na taga bayan ng Mercedes.

Pagdating nito sa Tabugon noong August 3 ay isinailalim sa Rapid Antigen Test kung saan ito nagpositibo.

Dinala sa quarantine facility ng Mercedes ang pasyente at noong August 8 ay lumabas ang resulta ng kaniyang RT PCR test kung saan ito nagpositibo.

Natapos na rin ang quarantine period ng pasyente noon pang August 17, 2021.

Isa ring driver si Bicol No 21873  na mula pa rin sa bayan ng Mercedes.

Dumating sa Tabugon checkpoint noong August 3 kung saan siya nagpositibo sa Rapid Antigen test.

Lumabas ang resulta ng kaniyang RT- PCR test noong August 6 at nagtapos naman ng quarantine noong August 18 makaraang makarekober.

Ayon kay Francisco lahat ng ito ay hindi nakauwi ng bahay nang magpositibo sa Rapid Antigen test.

Batay sa panununtunan ng Provincial Incident Management Team, kailangang sunduin ng nakakasakop na LGU sa border ang mga nagpositibo sa Rapid Antigen test at dalhin sa quarantine facility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *