SORSOGON CITY – Tumama na sa kalupaan ng Dimasalang, Masbate ang bagyon Jolina, alas 11:00 ng umaga kanina, Setyembre 7; dumaan na rin ito sa mainland Masbate, ayon ito sa PAGASA-Masbate Station.
Sa kasalukuyan, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal #3 sa buong lalawigan.
Ayon pa sa weather bureau, asahan ang malakas hanggang ‘intense’ na minsan ‘torrential’ na pag-ulan sa susunod na 24 oras.
Posible din umano ang storm surge na aabot sa 0.5 – 1.0 sa lalawigan.
Nasa ‘Orange Warning Level’ na rin ang lalawigan kasama ang Ticao at Burias Islands.
Sa dalawang pantalan ng Masbate ay may naitalang 8 stranded na indibidwal, apat na rolling cargoes at limang vessels.
PHOTOS: Rupert Bulalaque