Camarines Norte nakapagtala ng pinakamababang kaso ng Hand Foot and Mouth Disease sa Bicol Region

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng pinakamababang kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) ang lalawigan ng Camarines Norte sa lahat ng probinsiya sa Bicol.

Batay sa Philippine Integrated Disease Surveillance and Response and Event nakapagtala lang ng tatlong kumpirmadong kaso ng HFMD ang lalawigan simula Enero hanggang Nobyembre 28.

Ibinahagi ng Department of  Health Bicol ang datos nitong Biyernes, December 2.

Pero una nang sinabi ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola na apat ang naging kaso ng HFMD sa lalawigan at hindi na ito nadagdagan pa simula noong Abril.

Batay umano ito sa report na isinumite sa kanila ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU ng PHO

Ito umano ay dahil sa mga preventive measures na ginawa ng DOH at PHO upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na at karamihan s amga tinatamaan ng sakit na ito ay mga bata.

Wala rin umanong naging report na nagkaroon ng kaso ng HFMD ngayong full face-to-face na ang klase.

Ang HFMD ay nakukuha mula sa direct contact sa droplets na may virus mula sa infected na pasyente.

Ang kadalasang sintomas nito ay lagnat, masakit na lalamunan, pagkawala ng ganang kumain, mga pantal sa kamay, palad talampakan at maselang bahagi ng katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *