2 kindergarten hinihinalang nagkaroon ng HFMD sa Naga City; paaralan kaagad na nag disinfect

NAGA CITY- Dalawang kindergarten pupil ang hinihinalang nagkaroon ng Hand , Foot and Mouth Disease sa Naga City.

May mga butlig sa kamay ng mga bata na tulad nang ipinapakita ng Department of Health.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM ni Naga Central School I, Principal Frederick M. Baldoza matapos na makarating sa BNFM na may magulang na ayaw munang papasukin ang anak dahil sa insidente. Pagbibigay diin ng Punong Guro sinuspinde talaga nila ang klase  ng isang araw at hindi na muna pinapasok ang dalawa HABANG may sintomas pa.

Ganito rin ang payo sa mga magulang kung may lagnat ang bata at iba pang kakaibang nararamdaman ay huwag nang papasukin.

Hindi batid ni Baldoza kung nagreport sa health office o sa ospital ang magulang ng mag-aaral upang makumpirma sana kung HFMD ito.

Agad na nagsagawa ng disinfection sa classroom para sa kaligtasan ng lahat. Katunayan aniya noong nagdaang linggo pa ito nangyari at walang  sumunod pa.

Wala na aniyang dapat ipag-alala ang mga magulang dahil na kontrol naman kaagad.

Wala pang pahayag ng City Health Office ukol dito.

Una nang sinabi ni Dr. Jannish Alcala-Arellano ng Infectious Disease Cluster ng DOH Bicol, generally mild lang naman ang HFMD kung hindi magkakaroon ng komplikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *