Camarines Norte PNP nakapagtala ng mahigit 1 libong kaso ng paglabag sa minimum health standard protocols sa loob ng 2 linggo

CAMARINES NORTE – Nakapagtala ang PNP ng nasa 1,025 na kaso ng paglabag sa  minimum health standard protocols.

Ang nautrang bilang ay naitala sa loob ng 2 linggo mula Mayo 03 hanggang 16 ngayong taon.

Nasa 297 ang  walang suot na  faceshield; 430  ang walang suot na  facemask; 101 ang lumabag sa mass gathering ;  377 ang lumabag sa Social / Physical Distancing.

Sa naturan ding kabuuang bilang, 997 ang binigyang-babala, 191 ang pinagmulta at 17 ang sumailalim sa community service.

Ayon kay  PLTCOL Rogelyn Calandria – Incident Commander for Law and Order ng Camarines Norte IMT, kinakailangan ang kooperasyon ng lahat sa patuloy na pagsunod sa minimum health standard protocols para maiwasan na mapatawan ng penalidad sa bawat paglabag

(FILE PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *