Camarines Sur, may pinakamataas na COVID-19 death toll sa buong Bicol

BNFM BICOL– Simula nang pumasok ang taong 2022 at matapos ang holiday season ay kapansin-pansin ang muling pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region kung saan pawang nakapagtalang muli ng mga aktibong kaso ng sakit ang anim na lalawigan sa rehiyon.

Ganunpaman, batay sa pinakahuling datus ng Department of Health, ang probinsya ng Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 death toll simula nang maitala ang pinaka-unang kaso ng sakit sa rehiyon noong March 27, 2020.

Batay sa datus ng DOH-CHD Bicol, as of January 23, 2022 ang Camarines Sur ay mayroon nang 456 na mga nasawi; pumapangalawa ang Sorsogon na may 447; pangatlo ang Albay na may 429; 224 sa Naga City; 201 sa Camarines Norte; 116 sa Catanduanes; 77 sa Legazpi City habang pinaka kaunti naman ang death toll sa Masbate na mayroong 74.

Sa kabuuan, pumapalo na sa 2,029 ang COVID-19 fatalities sa Bicol mula sa 55,170 na mga kumpirmadong kaso.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *