Legazpi City Mayor: “Huwag nang mamili ng brand ng bakuna para sa booster shots”

BNFM BICOL— Nanawagan si Legazpi City Mayor Noel Rosal sa lahat ng kanyang mga nasasakupang residente na huwag nang mamili ng brand ng bakunang ituturok para sa booster shots ng mga ito.

Pagbibigay diin ng alkalde, mabilis aniyang maubos ang Pfizer vaccine sa kadahilanang marami ang nagnanais sa naturang brand gayong maaari namang tumanggap ng ibang brand ng bakuna para sa booster shots gaya ng Astrazeneca, Moderna at Sinovac.

Ang mahalaga aniya sa ngayon ay makatanggap ng booster shot ang isang fully vaccinated individual lalo na at nararanasan ngayon sa lungsod at maging sa ibang bahagi ng Albay ang “COVID-19 surge.”

Dagdag pa ng alkalde, huwag lamang aniyang mawawalan ng pag-asa ang bawat Legazpeño at patuloy lang na sumunod sa mga umiiral na health protocols gayundin ang pakikiisa sa vaccination roll out dahil lesser na umano ang epekto ng virus sa mga bakunadong indibidwal sakabila ng mabilis na transmission o pagkalat ng COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *